Tungkol sa Mediko.ph

Ang Mediko.ph ay naglalayon na maging pangunahing sanggunian ng kaalamang pangkalusugan sa Pilipinas. Sinisiguro din namin na ang aming mga sulatin ay tiyak at madaling maintindihan, sa pamamagitan ng wikang Filipino. Dagdag dito, hangad namin ay ang pagpapalaganap ng mapagkakatiwalaang impormasyong medikal upang makatulong sa pagtaguyod ng malusog at wastong paraan ng pamumuhay para sa lahat ng mga Pilipino.

Lahat ng aming mga mambabasa ay maaari ring ipagpanatiling napapanahon ang kanilang kaalamang pangkalusugan sa pamamagitan ng pag-antabay at pagbasa sa aming mga balitang pangkalusugan.”

Glen S. Dimaandal

Glen Dimaandal is the Managing Director of Mediko.PH. He is a data scientist trained at the University of Texas – Austin’s prestigious McCombs School of Business. He is also a Search Engine Optimization (SEO) strategist with almost two decades of experience. His fields of expertise include SEO, content marketing, Google Ads Management and general inbound marketing. Mr. Dimaandal is a serial entrepreneur with business interests in digital media, real estate and healthcare.

Dr. Anthony C. So, BSPT, MD, FPARM

Si Dr. Anthony C. So ay isang doktor na dalubhasa sa Physical Medicine and Rehabilitation (PM&R). Natapos niya ang Bachelor of Science in Physical Therapy noong 1994 at ang Doctor of Medicine noong 1998, pareho mula sa University of Santo Tomas (UST). Naging Chief Resident siya ng UST Department of Rehabilitation Medicine mula 2001 hanggang 2003.

Mula 2005, siya ang Section Head ng PM&R sa Our Lady of Mt. Carmel Medical Center, at mula 2006, sa Mother Teresa of Calcutta Medical Center. Dati rin siyang pinuno ng PM&R sa Angeles University Foundation (AUF) at naging pinuno ng AUF College of Allied Medical Professions.

Sa mahigit 20 taon ng karanasan sa larangan, kinikilala si Dr. So bilang isang awtoridad sa physical therapy at rehabilitasyon sa Pilipinas.