Yeast Infection

Gamot at Lunas

Maaaring gamutin ang yeast infection, subalit ang lunas dito ay depende sa uri nito. Ang mga sumusunod na mga lunas ay para sa mga hindi komplikado at komplikadong vaginal yeast infection.

Hindi komplikadong yeast infection

Maaaring lunasan ng vaginal therapy gamit ang ilang uri ng mga gamot ang hindi komplikadong yeast infection. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod na mga over-the-counter na mga gamot:

  • Butoconazole
  • Clotrimazole
  • Miconazole
  • Terconazole

Maaari ring painumin ng fluconazole nang isang beses ang pasyente.

Komplikadong yeast infection

Para sa komplikadong yeast infection, mangangailangan ng mahabang vaginal therapy at malakihang dosage ng iniinom na mga gamot.