Gamot at Lunas
Nagagamot na ang tuberkulosis (tuberculosis). Kung mayroong pulmonary TB ang isang tao, siya ay reresetahan ng doktor ng mga gamot. Maaaring ang paggagamot ay tumagal nang anim na buwan o higit pa, depende sa lubha ng sakit.
Ang pinakakaraniwan sa mga gamot na panlunas sa TB ay ang mga sumusunod:
- Isoniazid
- Pyrazinamide
- Ethambutol (myambutol)
- Rifampin (rifadin)
Napakahalaga din na ang isang may tuberkulosis ay magpahinga sa loob ng mahabang panahon. Sa pamamagitan ng mahaba at maayos na pagpapahinga ay hindi lamang napalalakas ang immune system. Naipapabuti din nito ang kakayahan ng mga baga na magdala ng oxygen sa buong katawan na lalong ikabibilis ng paggaling.