Ang tenga ay binubuo ng tatlong pangunahing mga bahagi: ang outer ear, middle ear, at inner ear. Ang outer ear ang kumukolekta ng mga tunog sa kapaligaran, samantalang ang middle ear ang nagsasalin sa mga tunog na ito bilang vibration. Pagsapit ng inner ear, ang vibration ay nagiging signal upang makarating ito sa utak at iproseso ang mga tunog na narinig.
Kapag nagkaproblema ang mga tenga ng isang tao, maaaring humina ang kanyang pandinig. Bukod dito, maaaring makaranas din ang pasyente ng pananakit ng tenga, pagkahilo, pagduduwal o pagsusuka, hirap sa pagbabalanse ng katawan, pag-ugong ng tenga, pagtutubig ng tenga, lagnat, kawalan ng gana sa pagkain, pangangati ng tenga, pagsusugat ng tenga, at iba pa. Batay sa uri ng sakit sa tenga, ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring hindi lahat maranasan ng pasyente.
Kadalasang nagkakaroon ng mga sakit sa tenga dahil sa alerhiya, ubo at sipon, impeksyon, paninigarilyo, at pagbabago ng air pressure. Minsan, nagkakaroon din ng mga problema sa tenga kung ang isang tao ay may birth defect o kaya naman ay kung siya ay nagtamo ng pisikal na pinsala dulot ng aksidente o trauma.
Upang malunasan ang mga sakit sa tenga, ang doktor ay maaaring magreseta ng mga gamot o magpayo na operahan sa tenga ang pasyente. Batay sa uri at tindi ng kalagayan, maaaring mawalan ng pandinig ang isang tao kung hindi maaagapang lunasan ang kanyang kondisyon.
Ang tawag sa larangan sa pag-aaral at paggamot sa mga sakit sa tenga ay tinatawag na otology. Ang otology ay nagmula sa Griyegong salita para sa tenga na “ous.” Noong sinaunang panahon, bago pa man sumapit ang 4,000 BC ay may mga naitala na tungkol sa mga kondisyong nakaaapekto sa tenga gaya na lamang ng otitis media o luga. Batay sa Ebers at Brugsch, mga uri ng medikal na tala, ang otitis media ay inilahad bilang “fire in the heart of the ear” at ang gamot para rito ay pulot (honey).
Noong 400 BC naman, ang Ama ng Medisina na si Hippocrates ay inilahad ang mga bahagi ng tenga gaya ng tympanic membrane at mastoid air cells. Bukod dito, nakapagbigay siya ng tumpak na paglalarawan ng mga sakit sa tenga gaya ng acute at chronic otitis media, pati na rin ang mga dahilan ng pagkabingi.
Bukod kay Hippocrates, si Aristotle, isang Griyegong pilosopo, ay gumawa ng teorya sa pandinig. Ayon sa kanya, ang inner ear ay isang resonating chamber na umuugong bilang pagtugon sa tunog na naririnig.
Pagsapit naman ng 130-200 AD, si Galen, ang personal na doktor ng Romanong Emperador na si Marcus Aurelius, ay inilahad kung ano ang auditory nerve. Bukod dito, nakilala rin si Galen bilang isang mahusay na surihano sa iba’t ibang uri ng kondisyon sa tenga.
Noong Middle Ages, noong ika-16 na siglo, ay nagsagawa si Vesalius ng Padua ng paghiwa sa tenga. Dahil dito, mas naintindihan ang mga bahagi ng tenga, lalo na ang middle ear. Noong kapanahunan naman ni Du Verney, ang personal na doktor ng mga maharlikang Pranses, gumawa siya ng isang libro na naglalaman ng mga larawan ng mga bahagi ng tenga. Dahil dito, tinagurian siyang “father of otology.”
Ang ika-18 siglo naman ay nagmistulang kapanahunan ng pag-aaral ng mga bahagi ng tenga. Maraming mga doktor, mananaliksik, at siyentipiko ang nagsagawa ng paghihiwa sa tenga upang masuri ang bawat bahagi nito. Kaya naman pagsapit ng ika-19 na siglo, mas naiintindihan na kung saan nagmumula ang iba’t ibang sakit sa tenga at marami na ring mga naimbentong paraan ng pag-oopera upang malunasan ang mga ito.
Bagama’t maraming nang naimbentong mga lunas sa pagdating ng ika-20 na siglo, ang kadalasang pinapayo pa rin ng mga doktor sa mga simpleng impeksyon sa tenga gaya ng luga ay pag-oopera. Kung minsan, ang mga ito ay hindi pa nagtatagumpay at lalo pang humihina ang pandinig ng pasyente. Pero pagsapit ng 1928, naimbento ni Alexander Fleming ang penicillin. Ito ang naging pangunahing gamot ng mga impeksyon sa tenga dahil sa mga antibacterial property nito. Dahil dito, hindi na nangangailangan pang operahan ang mga tenga ng pasyente sa tuwing magkakaimpeksyon ang mga ito.
Ang tenga ay maaaring maapektuhan ng iba’t ibang kondisyon. Batay sa uri ng sakit sa tenga, ang pasyente ay maaaring makaranas ng iba’t ibang sintomas gaya ng mga sumusunod:
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa tenga ang isang tao. Ito ay maaaring dulot ng mga sumusunod:
Maaaring tumaas ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa tenga ang isang tao kung nabibilang siya sa alinmang mga sumusunod na grupo:
Ang pagkakaroon ng sakit sa tenga ay maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay. Bukod sa maaapektuhan ang pandinig, maaari pang magkaroon ng problema sa pagbabalanse ng katawan. Bagama’t karamihan ng mga sakit sa tenga ay hindi mapanganib, kailangan pa rin itong lapatan ng karampatang lunas.
Ang paglunas sa sakit sa tenga ay batay sa uri at tindi ng kondisyon nito. Subalit kadalasan, ang doktor ay nagbibigay ng mga sumusunod na lunas:
Upang makaiwas sa pagkakaroon ng sakit sa tenga, iminumungkahi na gawin ang mga sumusunod na pag-iingat:
Maraming uri ng sakit sa tenga. Kabilang na rito ang mga sumusunod:
Kung may nararamdamang kakaiba sa tenga o humihina ang pandinig, maaaring lumapit sa ENT na doktor. Ang ENT ay nangangahulugang eye, nose, at throat. Bukod sa ENT na doktor, maaari ring magpakonsulta sa isang otologist. Ang mga otologist ay mga doktor na may pagsasanay sa pag-oopera ng mga tenga.
Ang artikulong ito ay isinulat ng mga kawani ng Mediko.PH sa ilalim ng medikal na pangangasiwa at pagsusuri ni Dr. Anthony C. So, MD. Ang artikulong ito ay naglalayong magbigay ng wasto at maaasahang impormasyon na may kinalaman sa kalusugan. Gayunpaman, hindi ito opisyal na personalisadong payong medikal, diagnosis, o reseta. Pinapayuhan ang mga mambabasa na kumonsulta sa doktor para sa tamang pangangalaga.