Sore Eyes (Conjunctivitis)

Gamot at Lunas

Image Source: www.philcare.com.ph

Ang karamihan sa mga kaso ng sore eyes o conjunctivitis ay banayad lamang at kusang nawawala kahit hindi ginagamot. May mga nabibiling mga over-the-counter na mga gamot na pinapatak sa mata upang magbigay ng ginhawa sa mga ito at mabawasan ang pamamaga. Ngunit sa ibang mga pagkakataon, maaaring magrekomenda ang mga manggagamot ng iba pang mga gamot, ayon sa natukoy na sanhi ng sore eyes. Ilan dito ay ay ang mga sumusunod:

  • Para sa viral at bacterial na sore eyes. Ang sore eyes na dulot ng virus ay kusang nawawala nang hindi ginagamot. Samantala, ang sore eyes na dulot ng bacteria ay maaaring lunasan gamit ang mga antibiotic na mga gamot na ipinapatak sa mata. Mayroon ding mga antibacterial ointment na maaaring ilagay sa mga mata upang mapabilis ang paggaling ng mga ito.
  • Para sa sore eyes na dulot ng mga allergen. Ang sore eyes naman na dulot ng allergic reaction ay nilulunasan sa pamamagitan ng paglayo o pag-iwas sa anumang uri ng mga allergen na maaaring mag-trigger May mga ipinapatak din sa mga mata para malunasan ang allergic reaction na sanhi ng ganitong uri ng sore eyes.
  • Para sa sore eyes na dulot ng mga irritant. Samantala, kapag ang sore eyes ay dulot ng mga irritant, maaari itong lunasan nang hindi ginagamot. Kailangan lamang alisin sa mata ang irritant, kagaya ng mga contact lens, at ipahinga ang mga mata.