Gamot at Lunas
Image Source: www.brookings.edu
Dahil ang septicemia ay isang seryosong kondisyon at tinuturin na emergency, ang paggagamot nito ay kadalasang isinasagawa sa ospital. Ang pasyente ay maaring bigyan ng mga sumusunod na lunas:
- Broad-spectrum antibiotics para puksain ang maraming uri ng bacteria na kumalat sa katawan
- Mga gamot na makatutulong na pabalikin sa normal ang bumagsak na presyon ng dugo
- Karagdagang oxygen sa katawan sa pamamagitan ng respiratory support
- Pagdaragdag ng plasma o platelets sa dugo upang mapanumbalik sa normal ang kakayahan nitong mamuo.
Kung ang pagkalat ng impeksyon ay matindi, maaaring gumamit ng dialysis para linisin ang dugo.