Scoliosis

Gamot at Lunas

Nalulunasan ang scoliosis sa pamamagitan ng isa sa tatlong sa mga sumusunod:

  • Pag-obserba. Ang pagkakaroon ng banayad na pagbaluktot ng likod ay karaniwang hindi na nangangailangan ng lunas. Subalit, kailangan itong obserbahan, lalo na sa mga bata. Sa kanilang paglaki ay nagkakaroon ng biglaang pagtangkad. Sa puntong ito ay lalong mahalaga na ma-obserbahan ang pagkurba ng kanilang gulugod. Kapag sa paglaki ay lumala ang pagbaluktot ng likod, ay kailangan nang lapatan ang kondisyon ng lunas.
  • Paglalagay ng brace. Kapag na-obserbahan na ang pagbaluktot ng likod ng bata ay may 20 hanggang 40 na degree, kinakailangan itong lagyan ng back brace. Hindi nito maitutuwid ang likod. Subalit, maaari nitong pigilan ang paglala ng pagbaluktot upang maiwasan ang operasyon. Ang brace na ginagamit para sa pagtutuwid ng likod ay maaaring gawa sa matigas na Ito ay para makagalaw ang pasyente at upang mapanatiling komportable ang pakiramdam habang suot ito. May iba’t ibang uri rin ng mga brace na maaaring gamitin ayon sa pagkalubha ng pagbaluktot ng likod. Ang brace ay kinakailangang isuot maghapon o kaya ay buong araw hanggang sa hindi na tumatangkad ang bata.
  • Operasyon. Kapag sumobra na ang pagbaluktot ng likod (45 hanggang 50 degrees), maaari pa itong lumala. Makaaapekto pa ito sa baga na maaaring maging sanhi ng hirap sa paghinga. Dahil dito, mangangailangan na ng pagtitistis o operasyon para tuluyang mapigil ang paglala ng pagbaluktot. Ang isa sa mga pamamaraan ng operasyon ay ang spinal fusion surgery.