Sakit sa Bato (Kidney Stones)

Gamot at Lunas

Ang sakit sa bato (kidney stones) ay nagagamot. Ito ay nilulunasan sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Pagtuturok ng intravenous fluid upang mabigyan ng sapat na hydration ang pasyente
  • Pagtuturok ng mga anti-inflammatory na gamot, ketorolac, at mga narcotic na panlaban sa pananakit
  • Pagbibigay ng mga enti-emetic na gamot laban sa pagduduwal
  • Paggamit ng lithotripsy o kaya shockwave therapy para durugin ang mga bato

Mga uri ng pagkaing tumutulong laban sa sakit sa bato

May mga natural din na paraan upang labanan ang sakit sa bato, kagaya ng pagkain ng mga uri ng pagkaing nakatutulong upang palabasin ang mga bato sa loob ng 48 hanggang 72 oras.

Ang isa sa mga ito ay ang pagkain ng kidney beans. Ang mga ito ay pinakukuluan sa loob ng anim na oras. Ang tubig na pinagkuluan ay pinaiinom sa taong may sakit sa bato tuwing dalawang oras sa loob ng hanggang 2 araw.

Ang iba pang mga pagkain na tumutulong sa paglaban sa sakit sa bato ay ang mga sumusunod:

  • Basil
  • Celery
  • Mansanas
  • Ubas
  • Pomegranates
  • Mga pagkaing mayaman sa bitamina B6
  • Mga suplementong pyroxidine