Gamot at Lunas
Image Source: www.medicalnewstoday.com
Ang Reye’s syndrome ay isang uri ng sakit na nangangailangan ng agarang lunas. Ang pagpapa-ospital ay kabilang sa paglunas sa sakit na ito. Sa katunayan, ang mga batang mayroong malulubhang kaso nito ay dapat ipasailalim agad sa pagpapagamot sa pediatric intensive care unit (PICU).
Subalit, kailangang muanawaan na walang gamot para sa sakit na ito. Kaya, ang maaari lamang na ilapat na lunas para sa may Reye’s syndrome ay mga supportive na uri nito. Ito ay ang mga uri ng lunas para sa mga sintomas ng sakit na ito. Kasama dito ang pagpapanatiling hydrated ang pasyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga electrolyte. Tutututukan din dito nang lubos ang kalagayan ng kanilang mga baga at puso.
Ang ilan naman sa mga gamot na maaaring ibigay upang lunasan ang mga sintomas ng Reye’s syndrome ay ang mga sumusunod:
- Insulin upang mapataas ang metabolismo ng glucose
- Mga corticosteroid upang mabawasan ang pamamaga ng utak
- Mga diuretic na nag-aaalis ng labis na likido sa katawan
Para naman sa mga malalalang kaso ng Reye’s syndrome, maaaring mangailangan ng respirator upang alalayan ang paghinga ng pasyente. Kapag hindi naagapan ang kondisyong ito, maaaring magkaroon ang pasyente ng pamalagiang pinsala sa utak.