Pulmonya (Pneumonia)

Gamot at Lunas

Image Source: unsplash.com

Ang gamot at lunas sa pulmonya ay depende sa lala nito. Maaaring gamutin ito sa tahanan. Subalit, sa mga malulubhang kaso nito, kinakailangan ang agarang pagpapa-ospital.

Walang tiyak na lunas para sa pulmonyang dulot ng virus. Ito ay karaniwang nawawala na lamang sa tulong ng:

  • Mahabang pagpapahinga
  • Pag-inom ng maraming tubig o mga fruit juice
  • Pagkain nang wasto
  • Pamamalagi sa loob ng tahanan

Sa isang banda, ang pulmonyang dulot ng bacteria ay ginagamot sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Mga antibiotic (iniinom o tinuturok)
  • Pain relievers kagaya ng ibuprofen, aspirin, o acetaminophen
  • Pag-inom ng expectorant
  • Respiratory therapy upang lumuwag ang paghinga
  • Oxygen therapy upang tumaas ang antas ng oxygen sa katawan

Ang mga lunas na nabanggit sa itaas ay dapat na ibigay kaagad sa may pulmonya batay sa payo ng doktor upang maiwasan ang paglala o pagkalat nito sa ibang mga tao. Subalit, mas mainam pa rin na gawin ang mga hakbang na makatutulong sa pag-iwas dito.