Gamot at Lunas
May mga naaasahan na’ng mga lunas at paraan na paggagamot sa kanser sa prostate (prostate cancer). Ang paglunas dito ay umaayon sa kung anong stage na ito.
Sa unang stage nito, ito ay nilulunasan sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Masusing pagtutok. Sa puntong ito ay masusing tinututukan ang kalagayan ng pasyente, lalo na ang lebel ng kanilang PSA sa dugo.
- Radical prostatectomy. Maaaring tanggalin sa pamamagitan ng operasyon ang prostate kapag malala na ang kondisyon nito.
- Brachytherapy. Ito ay isang uri ng radiation therapy. May mga radioactive na mga binhi na nilalagay sa loob ng prostate para tumulong sa targeted radiation treatment.
- Conformal radiation therapy. Ito ay isa ring uri ng targeted na uri ng lunas gamit ang radiation. Ang radiation ay may hugis base sa bahagi ng katawan na tinitira nito upang matiyak na ligtas ang mga malulusog na cells.
- Intensity modulated radiation therapy. Ang radiation therapy na ito ay kahawig ng conformal radiation therapy, subalit gumagamit ng mga beams ng radiation na iba-iba ang lakas.
Kapag malubha na ang kanser sa prostate, mangangailangan na ito ng mga mas agresibong lunas, kagaya ng chemotherapy at androgen deprivation therapy (ADT).
Sa puntong ito ay hindi na uubra ang pag-alis ng prostate sa katawan gamit ang operasyon. Ito ay dahil sa hindi na nito malulunasan ang kanser na kumalat na sa ibang bahagi ng katawan.