Gamot at Lunas
Nalulunasan ang pagkakaroon ng polyp sa loob ng apdo (gallbladder polyps). Subalit, ang lunas na ilalapat para sa mga ito ay batay sa laki ng mga natagpuang polyp.
Para sa mga polyp na may kalahating pulgada ang dyametro, maaari itong suriin gamit ang ultrasound machine para matutukan ang paglaki nito o kung ito ay malignant. Ang mga uri ng pagsusuring ultrasound na maaaring gawin para rito ay ang mga uring abdominal o endoscopic.
Para naman sa mga polyp na mahigit sa kalahating pulagada ang dyametro, maaaring kailanganin nang tanggalin ang apdo sa pamamagitan ng operasyon. Ang uri ng pagtitistis na isinasagawa ay tinatawag na cholecystectomy. Ito rin ay karaniwang ginagamit ng mga siruhano upang alisin ang apdo na mayroong mga bato.
Mga lunas para sa gallbladder polyps na maaaring gawin sa tahanan
Pinakamainam pa rin ang mga lunas na batay sa payo ng doktor. Subalit, maaari rin namang subukan ang mga lunas na maaaring gawin sa tahanan, lalo na para sa mga benign na uri ng gallblader polyps. Ang ilan sa mga ito ay kagaya ng mga sumusunod:
- Enema na ginagamitan ng tubig na may katamtamang init
- Pagdadampi ng hot water pack sa may tiyan
- Pagkain ng prutas na peras o kaya ay pag-inom ng katas (juice) nito
- Pag-inom ng unrefined olive oil bago kumain
- Pag-inom ng beat juice
Alalahanin lamang na bago isagawa ang anumang uri ng lunas, lalo na ang mga binanggit sa itaas, dapat munang sumangguni sa manggagamot.