Gamot at Lunas
Ang pangunahing lunas na inilalapat sa taong nakararanas ng pamamaga ng apdo (cholecystitis) ay ginagawa sa ospital, kung saan mas mabisang maaalagaan ang pasyente. Kung minsan ay kinakailangan ang operasyon, lalo na sa mga malalang kaso nito.
Ang ilan sa mga lunas para sa sakit na ito ay ang mga sumusunod:
- Pag-iwas sa mga pagkain sa loob ng ilang panahon (fasting). Ang pag-iwas sa pagkain, maging sa pag-inom ng tubig, sa loob ng ilang oras ay nakatutulong upang maibsan ang pamamaga ng
- Pagtuturok ng dextrose. Tumutulong ito sa pag-iwas sa
- Paggamit ng mga antibiotic laban sa impeksyon. Ipinapayo lamang ito kapag ang pamamaga ng apdo ay nagdulot ng impeksyon .
- Paggamit ng mga painkiller na gamot. Tumutulong ito sa pagpapahupa ng pananakit.
- Endoscopic retrograde cholangiopancreatography (ERCP). Ang paraan na ito ay ginagamit upang alisin ang anumang mga bara sa mga daluyan ng
- Cholecystectomy. Ito ay isang uri ng pagtitistis kung saan tuluyang inaalis ang apdo. Ito ay isang uri ng open surgery, o operasyon kung saan gagawa ng maliit na hiwa sa may apdo.
Itinatanong ng ilang pasyente kung maaari bang mabuhay nang normal kapag wala na ang apdo. Sa kabutihang palad, ito ay posible, sapagkat ang mga bile ay maaaring direkta nang umagos mula sa atay papunta sa maliit na bituka—kahit tinanggal na ang apdo.