Gamot at Lunas
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang pinakamabisang lunas para sa malaria ay ang artemisinin-based combination therapy (ACT). Ang ACT ay galing sa halaman na Artemisia annua o sweet wormwood. Ito ay may kakayahang puksain at pauntiin ang dami ng mga parasitiko sa katawan sa loob lamang ng 3 araw. Subalit, kung ang malaria ay malala na, maaaring hindi ito umepekto agad.
Kapag ang paggamot sa pamamagitan ng ACT ay hindi naging mabisa, maaaring magreseta pa ng ibang kaakibat na medikasyon ang doktor upang tuluyang malunasan ang malaria. Subalit ayon sa WHO, wala pang ibang medikasyon na maaaring makapantay sa bisa ACT.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang WHO at ibang organisasyong pangkalusugan sa pananaliksik ng bagong medikasyon para sa malaria sapagkat nagiging malakas na ang resistansya ng ilang parasitiko sa ACT.