Gamot at Lunas
Maaari nang gamutin ang leukemia, at ito ay sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Chemotherapy. Sa pamamaraang ito ay gumagamit ng gamot na nagpapahina at pumapatay sa mga cancer cell. Maaaring ito ay itinuturok o iniinom na gamot.
- Radiation therapy. Gumagamit ng high-energy X-ray sa pamamaraang ito upang pigilan ang paglago ng mga cancer cell sa dugo.
- Biologic therapy. Ginagamitan ito ng gamot, katulad ng interferon at interleukin, na tumutulong sa immune system na hanapin at patayin ang mga cancer cell.
- Stem cell transplant. Pinapalitan ng pamamaraang ito ang mga leukemia cell sa bone marrow ng mga sariwa at malulusog na selula. Ang ipinapalit na mga selula ay karaniwang galing sa sariling katawan ng may sakit o kaya ay mula sa malusog na donor.
- Operasyon (surgery). Tinatanggal sa pamamaraang ito ang pali o spleen, lalo na kapag puno na ito ng mga cancer cell. Sa ganitong paraan ay mapipigil ang pagkalat ng mga cancer cell sa iba pang bahagi ng katawan.