Leptospirosis

Gamot at Lunas

Banayad na leptospirosis

Nagagamot ang sakit na leptospirosis. Ang banayad na uri nito ay nangangailangan lamang ng mga antibiotic, kagaya ng doxycycline o kaya ay penicillin.

Malubhang leptospirosis

Kapag malubha na ang leptospirosis ay mangangailangan na ng mga sumusunod na aksyon:

  • Pamamalagi sa ospital
  • Pagbibigay ng mga antibiotic sa pamamagitan ng suwero
  • Pagkakabit ng venitlator upang makatulong sa paghinga kapag apektado na ang mga baga
  • Pagsasailalim sa dialysis kung apektado na ang mga bato (kidney)
  • Pagbibigay ng suwero (intravenous fluids) para maiwasan ang dehydration
  • Pamamalagi sa ospital nang mahabang panahon para sa mga buntis upang matutukan ang dinadalang sanggol

Subalit, katulad ng maraming uri ng mga sakit, maaaring iwasan ang leptospirosis.