Ketong (Leprosy)

Gamot at Lunas 

Kung noon ay wala ng pag-asang gumaling pa ang ketong o leprosy, ngayon ay maaari na itong lunasan sa pamamagitan ng pag-inom ng antibiotic. Depende sa uri ng ketong, ang doktor ay maaaring magreseta ng mga sumusunod:

  • Gamot sa tuberculoid leprosy. Sa tuberculoid leprosy, ang mga inireresetang antibiotic ng doktor ay dapsone at rifampicin. Ang rifampicin ay antibiotic na inirereseta rin sa mga taong may
  • Gamot sa lepromatous leprosy. Dahil ang lepromatous leprosy ay mas matindi kaysa sa tuberculoid leprosy, tatlo ang inireresetang antibiotic ng mga doktor. Kabilang na rito ang naunang nabanggit na dapsone at rifampicin, pati na rin ang clofazimine. Ang clofazimine ay dating inireresetang gamot para sa tuberculosis subalit hindi ito gaanong mabisa. Natuklasan na mas epektibo ito sa paggamot ng ketong.

Ang dosage at tagal ng paggagamot ay batay sa uri ng ketong at sa tindi ng kondisyon. Pero kadalasan, ang gamutan ay inaabot lamang ng 6 na buwan hanggang 1 taon. Bukod sa mga antibiotic, maaari ring magreseta ang mga doktor ng steroid upang mabawasan ang pamamaga at pananakit ng mga bahagi ng katawan.

Isang paalala lamang, ang mga gamot na inirereseta ay hindi na maibabalik pa sa dati ang mga napinsalang bahagi ng katawan. Kung nais ipaayos ang itsura, ang pasyente ay maaaring magpa-cosmetic surgery. Subalit, ang operasyong ito ay maaaring gawin lamang kapag tapos na ang gamutan at wala nang nakikitang problema sa balat.