Kanser sa Suso (Breast Cancer)

Gamot at Lunas

Mayroon nang mga makabagong lunas para sa kanser sa suso (breast cancer), subalit ang mga ito ay magiging batay sa mga sumusunod:

  • Edad, kalusugan, at iba pang mga isinasaalang-alang sa pasyente
  • Uri ng kanser sa suso
  • Kung anong stage na ang kanser
  • Pagiging maselan sa mga hormone

Ang mga pangunahing lunas naman na inilalapat sa kanser sa suso ay ang mga sumusunod:

  • Surgery
  • Radiation therapy
  • Chemotherapy
  • Biological therapy, o kaya ay targeted drug therapy
  • Hormone therapy