Gamot at Lunas
May iba’t ibang uri na ng mga lunas sa kanser sa malaking bituka (colon cancer), kagaya ng mga sumusunod:
Pagbibigay ng mga local treatment
Ang mga local treatment ay ang paglapat ng lunas sa apektadong bahagi lamang nang hindi ginagalaw ang ibang bahagi ng katawan. Ang mga halimbawa ay ang mga sumusunod:
- Operayon para sa kanser sa colon
- Operasyon para sa kanser sa puwet
- Ablation at embolization para sa kanser sa colon
- Radiation therapy
Systemic treatments
Maaari ring gamutin ang kanser sa malaking bituka sa pamamagitan ng mga drogang iniinom o kaya ay iniineksyon direkta sa mga daluyan ng dugo. Subalit, ang paraang ito ay maaaring makaapekto sa lahat ng mga cell sa katawan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- Chemotherapy
- Targeted therapy
- Immunotherapy