Hypothyroidism

Gamot at Lunas

Image Source: www.theolivepress.es

Nilulunasan ang hypothyrodism sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Synthetic thyroxine

Kapag nagkukulang sa T4 hormone ang katawan, maaari itong punan sa pamamagitan ng synthetic thyroxine na nirereseta ng mga doktor.

Ang paggamit ng lunas na ito ay kinakailangan ng gabay ng manggangamot.

Iodine

Ang pagkakaroon ng goiter o abnormal na paglaki ng thyroid gland ay maaaring dulot ng kakulangan ng iodine sa katawan. Ang iodine ay tumutulong sa maaayos na paggawa ng thyroid.

Subalit, dapat tandaan na ang mga taong mayroong autoimmune na kondisyon ay maselan sa mga epekto ng iodine. Para sa kanila, ang iodine ay maaaring magdulot o magpalala sa hypothyroidism.

Sa ilang mga kaso naman, kinakailangan ng pangmatagalang pagpapahinga para lubos na humupa ang mga sintomas ng hypothyroidism.