Glaucoma

Gamot at Lunas

Image Source: www.freepik.com

Ang mga sintomas ng glaucoma ay maaaring mapigilan lalo na kung ang mga ito ay maaagapan. Ilan lamang sa posibleng gamot at lunas sa glaucoma ay ang mga sumusunod:

  • Gamot na ipinapatak sa mata (eye drops). Kung hindi pa malala ang glaucoma, kadalasan ay nagbibigay lamang ang mga doktor ng mga glaucoma eye drop o mga gamot para sa glaucoma na ipinapatak sa mata. Ang mga ito ay nakatutulong upang mabawasan ang produksyon ng likido sa mga mata o aqueous humor. Kapag umunti na ang aqueous humor, bababa na ang presyon sa loob ng mga mata at mawawala na ang sintomas na pananakit ng mga mata.
  • Laser surgery. Kapag malala naman ang glaucoma, posibleng sumailalim sa laser surgery ang pasyente. Ito ay isang uri ng operasyon na nakatutulong sa pagtanggal ng mga baradong drainage canals.
  • Microsurgery. Kung ang laser surgery ay may layuning tanggalin ang mga bara sa drainage canals, ang microsurgery naman ay may layong gumawa ng bagong drainage canals. Sa uri ng operasyon na ito, ang likido sa mga mata ay magkakaroon ng bagong daluyan, na magreresulta sa pagbaba ng presyon sa loob ng mga mata.
  • Glaucoma implant. Mayroon ding operasyon na tinatawag na glaucoma implant. Sa operasyon na ito, maglalagay ang surgeon ng maliit na device para ito ang magsilbing daluyan ng likido sa mga mata. Bagama’t mataas ang posibilidad nitong mapigilan ang paglala ng glaucoma, ito ay isang mahal at komplikadong operasyon.