Dengue

Gamot at Lunas

Sa ngayon ay wala pang tiyak na lunas para sa dengue. Ang nilulunasan ay ang ilan lamang sa mga sintomas nito, kagaya ng lagnat at ang panunuyot, na karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Pagpapa-ospital
  • Pag-inom ng acetaminophen para sa lagnat at pananakit ng katawan
  • Pagturok ng intravenous (IV) fluid o pag-inom ng electrolyte replacement para lunasan ang panunuyot
  • Pagmonitor sa blood pressure
  • Pagsasalin ng dugo para mapalitan ang mga nawalang dugo sa katawan