Gamot at Lunas
Image Source: unsplash.com
Ang dehydration ay maaari namang magamot nang kahit nasa bahay lamang, lalo na kung hindi naman ito malala. Ilan lamang sa mga lunas para sa dehydration ay ang mga sumusunod:
- Uminom ng oresol. Ang oresol ay nabibili sa botika kahit walang reseta ng doktor. Ito ay isang pulbos na nasa maliit na pakete at inihahalo ito sa tubig upang inumin ng pasyenteng dehydrated. Ang oresol ay naglalaman ng electrolytes o mga asin kaya naman ito ay may pagkaalat. Kalimitang ibinibigay ito sa mga sanggol at bata pero puwede rin ito sa matatanda. Sundin lamang ang mga hakbang ng tamang pagtimpla para sa bawat edad. Kung ayaw uminom ng mga sanggol o bata ng standard oresol, bumili ng flavored oresol upang maging kaaya-aya sa kanilang panlasa. Kadalasan, mayroong buko, orange, lemon, at iba pang mga flavor.
- Uminom ng maraming tubig o mga sports drink. Bukod sa oresol, painumin din ang pasyente ng maraming tubig upang mapalitan ang nawalang tubig sa katawan. Maaari ring uminom ang pasyente ng sports drink gaya ng Gatorade. Rekomendado ito ng mga pediatrican sa Pilipinas. Batay rin sa pag-aaral, kasing bisa rin ng Gatorade ang Pedialyte, isang brand ng oral rehydration solution. Subalit, huwag bibigyan ng Gatorade ang mga sanggol at mga batang nasa edad 7 pababa.
- Humigop ng maraming sabaw. Mainam din ang paghigop ng maraming sabaw upang mapalitan ang nawalang tubig sa katawan. Iwasan lamang ang sabaw na masyadong maraming pampalasa o maaanghang sapagkat maaari naman itong magdulot ng pananakit ng tiyan o pagtatae.
Kung ang dehydration naman ay malala, kailangang pumunta na sa ospital. Ilan lamang sa maaaring ibigay na lunas ay ang mga sumusunod: