Cirrhosis

Mga Gamot at Lunas

Image Source: www.bbc.com

Iba’t iba ang paraan sa paglunas sa sakit na cirrhosis. Nilalapatan ito ng lunas batay sa sanhi nito at kung gaano na ito kalala. Ang ilan sa mga lunas na maaaring ilapat sa kondisyong ito ay ang mga sumusunod:

  • Lubos na pagtigil sa pag-inom ng mga nakalalasing na inumin
  • Pagsasailalim sa hemodialysis para salain ang dugo kapag tumigil na sa paggana ang mga bato (kidney)
  • Pag-inom ng mga beta blocker o ng mga nitrate para sa portal hypertension
  • Paggamit ng banding upang matigil ang pagdurugo bunga ng esophageal varix
  • Paggamit ng mga itinuturok na mga antibiotic para gamutin ang peritonitis
  • Pagpili sa lactulose at sa mga pagkaing mababa ang antas ng protina upang lunasan ang encephalopathy

Ang pagsasailalim naman ng pasyente sa isang liver transplant gagawin lamang kapag napag-alamang wala sa mga lunas na nabanggit sa itaas ay tiyak na makatutulong. Dapat ding tandaan na ang pag-inom ng mga OTC na gamot ay dapat may patnubay ng manggagamot.