Gamot at Lunas
Madaling lunasan o gamutin ang pagkakaroon ng chalazion at kuliti. Ilan sa mga paraan upang magawa ito ay ang sumusunod:
- Paggamit ng hot compress sa apektadong bahagi
- Magaan na pagmasahe ng talukap ng mata
- Paggamit ng mga corticosteroid at antibiotic
- Paglinis sa apektadong bahagi gamit ang mga banayad na uri ng panglinis (mild soap o shampoo)
Kapag hindi pa gumaling ang chalazion o kapag ito ay lumala pa matapos gawin ang nasabing mga lunas, maaari na itong ipakonsulta sa isang doktor upang tuluyang matanggal.