Moras

Kaalaman tungkol sa Moras bilang halamang gamot

Scientific name: Andropogon zizanioides ( Linn.) Urban; Andropogon muricatus Retz.; Andropogon nardus Blanco

Common name: Moras (Tagalog); Vetiver grass (Ingles)

Image Source: kalusugan.ph

Ang damong moras ay isang pangkaraniwang uri ng damo na kadalasan ay tinatanim sa mga pilapil ng mga palayan. Ang mga dahon ay patulis at pahaba na maaaring tumubo sa taas na 1 hanggang 2 metro. Ang mga ugat ay mabango ay tumutubo nang maraming hibla. Orihinal itong nagmula sa mga bansa sa Asya na nasa rehiyong tropiko gaya ng Pilipinas.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Moras?

Ang iba’t ibang bahagi ng moras ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang mga dahon at ugat may maaaring makuhanan ng ng langis na kung tawagin ay vetiver oil. Taglay naman ng langis ang ilang substansya gaya ng vetivenes, vetivenol, vetivenic acid, vetivenyl acetate

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

  • Ugat. Ang ugat ang pangunahing bahagi ng halaman na ginagamit sa panggagamot. Kadalasan itong nilalaga o kinukuhanan ng langis.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Moras?

  1. Bato sa kidney. Pinaniniwalaang mabisang pantunaw sa mga bato sa kidney ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng moras.
  2. Pagtatagihawat. Mabisang nakakabawas sa mga tagihawat sa katawan ang regular na pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng moras.
  3. Insomnia. Pinaniniwalaan din na mabisang pampahimbing sa pagtulog ang pag-amoy sa mabangong langis na vetiver oil.
  4. Altapresyon. Mainam na pampababa ng mataas na presyon ng dugo ang regular na pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng moras.
  5. Kuto. Dapat namang ipambabad sa buhok na apektado ng lisa at kuto ang pinaglagaan ng moras para mabawasan ang peste sa buhok.
  6. Pananakit ng ulo. Mabisa naman para sa pananakit ng ulo ang pagpapahid ng vetiver oil sa sentido at noo.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.