Mga Nilalaman
Kaalaman tungkol sa Komprey bilang halamang gamot
Scientific name: Symphytum officinale
Common name: Komprey (Tagalog), Comfrey (Ingles)
Ang komprey ay isang maliit na halaman na matagal nang ginagamot bilang gamot mula pa noong sinaunang panahon. Ang dahon ay malapad at nababalot ng maliliit na buhok. Ang bulaklak naman ay maaring kulay asul o lila. Madaling tumubo sa iba’t ibang lugar.
Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Komprey?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang komprey ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
- Ang dahon ay may taglay na rosmarinic acid, chloogenic acid, caffeic acid at lithospermic acids
- Mayaman din sa Vitamin B12
Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
- Dahon. Ang dahon ay karaniwang nilalaga para mainom at makagamot sa ilang uri ng sakit. Maaari din itong dikdikin upang ipantapal.
- Ugat. Karaniwang hinahalo ang ugat sa paglalaga ng dahon para sa paggagamot sa ilang kondisyon
Ano ang mga sakit at kondisyon na maaaring matulungan ng Komprey?
- Ubo. Mabisang panglunas sa ubo ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng komprey.
- Hika. Mabisang gamot din para sa hika ang pag-inom sa pinaglagaan ng komprey.
- Hirap sa pagdumi. Ang hirap sa pagdumi o pagtitibi ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon.
- Altapresyon. Nakakapagpababa din ng presyon ng dugo ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng komprey.
- Pilay. Dapat namang tapalan ng dinikdik na dahon ng komprey ang bahagi na may pilay dahil sa nabanat na kalamnan o naipit na ugat.
- Sugat. Maaari ding tapalan ng dinikdik na sariwang dahon ng komprey ang sugat upang mapabilis ang paghilom
- Paso. Upang maibsan naman ang pananakit ng paso sa balat, mainam na lagyan ng dinikdik na dahon ang apektadong bahagi.
- Alipunga. Ang pangangati at mabahong amoy ng paa dahil sa alipunga ay mainam tapalan ng dinikdik na dahon.
- Hirap sa pagtulog. Ang pag-inom naman sa tsaa na yari sa dahon ng komprey ay makatutulong sa madaling paghimbing ng tulog.
- Kanser. Ang katas naman ng dahon ay pinaniniwalaang makagagamot sa kanser. Dapat lang inumin ang pinaglaaan ng dahon.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.