Ano ang mga sintomas ng kabag o gas pain?
Ang mga sintomas ng kabag o gas pain ay ang mga sumusunod:
- Paglabas ng hangin mula sa tiyan – pagdighay o pag-utot
- Pananakit ng tiyan na makirot o parang tumutusok
- Parang sinisikmura
- Parang nalipasan ng gutom
- Pakiramdam na busog, punong-puno, o masikip ang titan (bloating)
Medikal na Sinuri ni Dr. Anthony C. So
Ang artikulong ito ay isinulat ng mga kawani ng Mediko.PH sa ilalim ng medikal na pangangasiwa at pagsusuri ni Dr. Anthony C. So, MD. Ang artikulong ito ay naglalayong magbigay ng wasto at maaasahang impormasyon na may kinalaman sa kalusugan. Gayunpaman, hindi ito opisyal na personalisadong payong medikal, diagnosis, o reseta. Pinapayuhan ang mga mambabasa na kumonsulta sa doktor para sa tamang pangangalaga.